Ulat ng Pag-usad sa Tagsibol
Kumusta, kapitbahay!
Kung nakatira ka sa distrito ng Sound Transit, gumagawa ka ng malaking investment sa kinabukasan. Tumutulong ang iyong dolyar-dolyar na buwis na itayo ang 252 milyang panrehiyong network na magkokonekta ng mga komunidad sa tatlong county—at gumagawa ito ng higit pang abot-kayang pabahay, kaya tiyak na magiging mas berde at mas patas ang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
Mahalagang bagay iyon, at gusto ka naming balitaan tungkol dito.
Suriin ang aming Ulat sa Pag-usad sa Tagsibol sa ibaba (ang una sa tatlong update na ihahatid namin sa iyo sa 2024!) para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pinakamalaking programa sa pagpapalawak ng transportasyon ng bansa, na may kasamang serbisyo ng bagong light rail sa limang bagong lungsod at 12 bagong istasyon na magbubukas ngayong taon!
Magbubukas ang 2 Line sa Abril 27!
Mula Bellevue hanggang Redmond, malapit nang magbukas ang unang walong Link light rail station sa bagong 2 Line! Alamin kung hanggang saan ka puwedeng dalhin ng bagong serbisyo at samahan kami sa Eastwide sa pagdiriwang, mga palaro, at giveaway.
Lynnwood Link, magbubukas sa Ago. 30
Bagong serbisyo ng 1 Line, ilulunsad sa Shoreline, Mountlake Terrace, at Lynnwood sa weekend ng Labor Day!
Sumakay sa T Line
Nakasakay ka na ba sa Link light rail line ng Tacoma mula nang madoble ito noong Setyembre, at magdagdag ito ng anim na bagong stop sa Stadium District at komunidad ng Hilltop?
Pagtanaw sa kinabukasan ng Sounder
Nagbago ang mga pattern sa paglalakbay pagkatapos ng pandemya. Tinanong ka namin tungkol sa iyong mga priyoridad para sa kinabukasan ng aming sikat na serbisyo ng S-Line train sa pagitan ng Lakewood at Seattle. Alamin kung ano ang sinabi ng mga residente ng South Sound at…
Makabagong tulay
Alamin ang nangyayari sa likod ng makabagong imprastruktura sa extension ng Link 1 mula Angle Lake hanggang Kent/Des Moines at Federal Way, na magbubukas sa 2026.
Mas marami pang paparating na proyekto ng Link, at Stride BRT
Tingnan ang pag-usad sa aming mga extension ng Line 2 na nakatakdang magbukas sa 2025, na magdadala sa serbisyo ng Link sa Downtown Redmond at mula sa Bellevue hanggang Mercer Island at downtown Seattle—at mabilisang transportasyon sa Stride bus sa I-405 at SR 522 sa 2027 at 2028.
Mga koneksyon sa rehiyon at komunidad
Gamitin ang interactive na mapa ng system para sa kinabukasan sa ibaba para sa higit pang detalye tungkol sa mga proyekto ng Sound Transit sa buong rehiyon.
I-tap ang mga pulsing dot para sa higit pang impormasyon tungkol sa bawat proyekto, at sundan ang link para sa higit pang detalye sa pag-sign up para sa mga update sa proyekto at magawang makibahagi.
Karugtong ng Everett Link
Pagpapahaba ng serbisyo ng Snohomish County light rail mula Lynnwood hanggang Everett.
Pagsasa-ayos ng Paradahan at Lagusan sa mga Istasyon ng Edmonds at Mukilteo
Pinadadali ang pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Pagsasa-ayos ng Paradahan at Lagusan sa mga Istasyon ng Edmonds at Mukilteo
Pinadadali ang pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Lynnwood Link Extension, magbubukas sa Ago. 30!
Maghanda para sa pagpapalawak sa serbisyo ng 1 Line mula sa Northgate hanggang sa Snohomish County.
Linya ng Stride BRT S2
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 sa pagitan ng Lynnwood at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Bus Base North
Adding a facility to store and service our new Stride bus rapid transit fleet.
Ballard Link Extension
Pagpapalawak sa light rail mula sa downtown Seattle hanggang sa South Lake Union at Ballard.
Northeast 130th Street Infill Station
Pagdaragdag ng istasyon ng light rail sa Lynnwood Link Extension, pagitan ng Northgate at Shoreline.
Linya ng Stride BRT S3
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng SR-522 at Northeast 145th Street sa pagitan ng Shoreline at Bothell, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Linya ng Stride BRT S3
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng SR-522 at Northeast 145th Street sa pagitan ng Shoreline at Bothell, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
South Kirkland-Issaquah Link
Pagdaragdag ng bagong linya ng light rail sa Eastside, na may madaling koneksyon sa mga patutunguhan sa rehiyon.
Magbubukas ang 2 Line sa Abril 27!
Magkakaroon ng bagong serbisyo sa apgitan ng walong istasyon sa Bellevue at Redmond ngayong tagsibol.
Karugtong ng Downtown Redmond Link
Pagpapahaba ng light rail mula sa lugar ng Overlake hanggang bayan ng Redmond.
North Sammamish Park-and-Ride
Pagdaragdag ng bagong pasilidad na paradahan na may mga panrehiyong koneksyon sa pagbiyahe.
Linya ng Stride BRT S2
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 sa pagitan ng Lynnwood at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Linya ng Stride BRT S1
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 and SR 518 sa pagitan ng Burien at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Magbubukas ang 2 Line sa Abril 27!
Magkakaroon ng bagong serbisyo sa apgitan ng walong istasyon sa Bellevue at Redmond ngayong tagsibol.
South Kirkland-Issaquah Link
Pagdaragdag ng bagong linya ng light rail sa Eastside, may madaling koneksyon sa mga patutunguhan sa rehiyon.
East Link Extension
Paggawa ng koneksyon sa light rail sa buong Lake Washington para maikonekta ang downtown Seattle, Mercer Island, at ang Eastside.
West Seattle Link Extension
Pagpapalawak sa light rail mula sa downtown Seattle hanggang sa Alaska Junction sa West Seattle.
South Graham Street Infill Station
Pagdaragdag ng isang istasyon ng light rail sa umiiral na 1 Line, pagitan ng Columbia City at Othello.
South Boeing Access Road Infill Station
Pagdaragdag ng isang istasyon ng light rail sa umiiral na 1 Line, pagitan ng Rainier Beach at Tukwila International Boulevard.
Linya ng Stride BRT S1
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 and SR 518 sa pagitan ng Burien at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Pasilidad ng Operasyon at Pangangalaga sa Timog
Pagdaragdag ng bagong pasilidad upang paglagyan at serbisyuhan ang ating dumadaming mga tren ng Link light rail.
Karugtong ng Federal Way Link
Pagpapahaba ng light rail mula Angle Lake hanggang bayan ng Federal Way.
Karugtong ng Tacoma Dome Link
Pagpapahaba ng light rail mula Federal Way hanggang Pierce County.
Pagpapalawak ng Kapasidad ng Sounder South
Pagtaas ng kapasidad upang makapaglingkod sa mas maraming tagasakay ng South Sound at pagbutihin ang karanasan ng pasahero.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Kent
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Auburn
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Sumner
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Pagpapalawak ng Kapasidad ng Sounder South
Pagtaas ng kapasidad upang makapaglingkod sa mas maraming tagasakay ng South Sound at pagbutihin ang karanasan ng pasahero.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng South Tacoma
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Base ng Pangangalaga ng Sounder
Magtayo ng bagong pasilidad upang paglagyan at serbisyuhan ang ating dumadaming tren ng Sounder.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Lakewood
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Ekstensyon ng DuPont Sounder
Pagdagdag ng dalawang bagong istasyon ng S Line sa Tillicum at Dupont.
Ekstensyon ng TCC Tacoma Link
Pagpapalawig ng T Line mula St. Joseph hanggang Tacoma Community College.
Mga ipagdiriwang na milestone
Ang unang hakbang sa paggawa ng transportasyon ay ang pagbuo ng mga ugnayan – at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ating mga partner at komunidad, marami tayong nagawa sa nakalipas na ilang buwan! Mula sa mga pagpapahusay sa pampublikong kaligtasan, bagong pondo mula sa pederal, mga oportunidad sa abot-kayang pabahay na malapit sa pampublikong transportasyon, at marami pang iba, alamin kung paano…
Paano magplano, magbayad, at sumakay sa amin
Pinadali namin ang paghahanap sa lahat ng kailangan mo para magamit ang Link light rail, mga tren ng Sounder, at ST Express bus ng Sound Transit. Planuhin ang biyahe mo, alamin kung paano magbayad ng pamasahe, at sumakay ngayong araw!
Libre ang sakay para sa kabataan
Kung ikaw ay may edad na 18 taon pababa, libre ang transportasyon sa ating rehiyon salamat sa Move Ahead Washington, na isang pambuong-estadong package para sa pagpopondo ng transportasyon.
Mas pinapaginhawa ang buhay sa ating rehiyon
Gumagamit ka man ng pampublikong transportasyon o hindi, makikinabang tayong lahat sa mas kaunting sasakyan sa ating mga kalsada, mas malinis at mas berdeng kapaligiran, mas abot-kayang pabahay, at patas na acess sa mga oportunidad at serbisyo sa ating rehiyon. Sa bawat triannual na update sa Ulat sa Pag-usad, bibigyan ka namin ng bagong pananaw sa ibig sabihin ng ginagawa nating ito para sa iyo.
Pagdiriwang sa Earth Month
Sa pag-aalok ng mas maraming opsyong de-kuryente at mataas ang kapasidad at pagbabawas sa pagdepedne sa mga sasakyan, malinaw ang mga benepisyo sa kapaligiran ng pampublikong transportasyon. Pero sa Sound Transit, isa lang iyon sa maraming paraan ng pagsasapriyoridad namin ng mga tao, sa planeta, at sa kaunlaran.
Pamunuan
Ang pansamantalang CEO na si Goran Sparrman ang nangunguna sa staff ng Sound Transit, at may Lupon ng Mga Direktor na nangangasiwa sa ahensya. Binubuo ito ng mga lokal na inihalal na opisyal mula sa aming distrito ng transportasyon, na hinati ayon sa populasyon, at ng Kalihim ng Transportasyon ng estado.
Impormasyon sa pananalapi
Nagmumula ang pondo sa konstruksyon at mga operasyon ng Sound Transit sa kumbinasyon ng mga lokal na buwis, grant at loan mula sa pederal, pangungutang sa pamamagitan ng pagbibigay ng bono, kita sa interes, kita sa pamasahe, at iba pang kita.
Makipagtulungan sa amin
Hindi lang tungkol sa mga riles at kalsada ang mga trabaho sa Sound Transit – kailangan namin ang iyong tulong para maprotektahan at ma-sustain ang ating kapaligiran, makagawa ng mas abot-kayang pabahay sa buong rehiyon, maisulong ang aming mga pangako sa pagkakapantay-pantay at paglaban sa racism, at marami pang iba.